Monday, 17 October 2016

How to get PhilHealth MDR Online?

Paano makakuha ng PhilHealth MDR Online?

Magandang Balita para sa mga myembro ng PhilHealth!
Hindi mo na kailangan pang pumila at maghintay ng matagal para lang makakuha ng Member Data Record sa mga tanggapan ng PhilHealth. Sa pinakabagong pasilidad ng PhilHealth website ay maaari niyo na pong i-download ang iyong MDR.

Ang kagandahan pa nito, ay bukod sa makukuha mo ang iyong MDR ng walang kahirap-hirap, ay maaari mo na ring makita ang iyong kontribusyon na nai-ambag sa PhilHealth.



Narito ang mga pwedeng gawin sa PhilHealth Member Inquiry System:
  • Pwedeng mai-check ang kawastohan ng mga impormasyon sa iyong Member Data Record (MDR) katulad ng pangalan, birthdate, address, employer, mga naideklarang dependents at iba pang personal na detalye.
  • Mag-print ng Member Data Record (MDR)
  • Mag-check ng iyong huling nakapost na kontribusyon o bayad sa PhilHealth.

Paano nga ba makakakuha ng MDR Online?
Narito ang mga Steps na kailangan mong sundin para maka-access sa iyong PhilHealth Record at makakuha ng iyong MDR:
1st Step
Bisitahin ang official website ng PhilHealth o i-click ang link na ito www.philhealth.gov.ph.
Dapat ay lumabas ang website ng philhealth, kagaya nitong sa baba
2nd Step
Mula sa PhilHealth website ay hanapin ang Member Inquiry login page at i-click ang “Register”, na nasa baba nito (tingnan ang imahe sa baba)
3rd Step
Pagkatapos mai-click ang “Register”, ay lalabas ang Basic information page kung saan ay fi-fillupan mo ito. 
Ilagay ang lahat ng tamang impormasyon sa field, para walang magiging problema sa iyong registration. Kung wala ka pang email-address ay maaari kang mag-register sa Gmail at kopyahin ang email address (ito ang halimbawa ng mga email addresses: juandelacruz@gmail.com, inaykopo@gmail.com)
4th Step
Pagkatapos ma fillup-an ang lahat ng fields ay maaari ng i-click ang “Submit Registration” button na nakalagay sa baba. 
Mangyaring maghintay lang habang pino-proseso ang iyong registration at hintaying lumabas ang popup window na nagsasaad na naging successful ang iyong registration at naipadala na ang iyong activation link at password sa email address na iyong ibinigay.

5th Step
Buksan ang iyong e-mail.
Kung naging successful ang iyong registration ay makakatanggap ka ng email mula sa PhilHealth kung saan ay laman ang iyong activation link, PIN at gagamiting password para maka-access sa system kagaya nitong nasa baba.
6th Step
Huwag munang mag-login sa PhilHealth Member Inquiry Login Page kung hindi mo pa na activate ang iyong account. Para gawin ito, hanapin ang code na ito sa loob ng email message na pinadala sayo ng philhealth kagaya nitong nasa baba.
7th Step
Kapag nakita mo na ang code, ay maaari itong i-click o kung ayaw naman ma-click ay maaaring i-highlight at i-right click ito para lumabas ang menu, pag lumabas na ang menu, ay piliin at i-click ang may nakalagay na go to. Pwede ring i-copy at paste ito sa browser mo.

sa pag-click mo ay dapat lalabas ang “Account Activated” page.


8th Step
Kapag na activate na ang iyong account ay maaari mo nang ma-access ang iyong record sa PhilHealth. Para gawin ito, pumunta lang sa PhilHealth website at hanapin ulit ang Member Inquiry login page at i-type ang iyong PIN at password na binigay sayo ng PhilHealth (ito ay nakapaloob sa pinadalang email mula sa philhealth) 

at i-click ang “Login” button sa baba.




9th Step
Para sa iyong seguridad, bago makapasok sa iyong account ay kinakailangan mong sagutan ang isa sa mga security questions na iyong pinili kanina sa iyong pag-register.

10th Step
Pagkatapos masagutan ang security question, ay lalabas na ang iyong PhilHealth Account Dashboard kung saan makikita ang iyong profile information, kagaya nitong nasa baba. 
Pwede ka nang pumili ng gusto mong gawin sa loob ng dashboard, pindutin lang ang button sa tabi ng mga menu (kulay green para sa ibang menu at printer button naman para sa MDR).
Ganun lang kadali :) Maaari kanang mag print ng iyong MDR, mag-check ng iyong kontribusyon at mag-reset ng iyong password.
Paalala:
Kung ang iyong MDR ay hindi pa updated ay kinakailangan mo itong i-update. Punan lang ang PhilHealth Member Registration Form o PMRF (i-click para mag download ng PMRF) at ilakip ang mga kinakailangang dokumento sa pagpapa-update at dalhin ito sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth.
Kung may nakitang hindi nakapost o may hindi nakareflect na kontribusyon mo sa PhilHealth, ay maaaring magtanong sa iyong employer o i-check ang iyong mga resibo. Pag may nakitang discrepancy ay maaaring ipagbigay alam agad ito sa PhilHealth.


Pagkatapos ng iyong transaksyon sa PhilHealth Member Inquiry System, ay Huwag na huwag mong kalimutang mag log-out, para hindi makompromiso ang iyong account at para mapanatiling pribado ang iyong personal information.



Subscribe to get more videos :